Magandang hudyat ito lalung-lalong na sa mga manlalarong kiddies ng distrito uno ng Makati City ng magsisimula na ang 1st Bangkal Kiddies Age-Group Chess Tournament na gaganapin sa May 1, 2011 ika sampu ng umaga sa 2737 Capinpin St., Bangkal, Makati City. Ang torneyo ay inorganisa ni G. Oscar Parro na siya rin Presidente ng Parents, Guardians and Trainers Chess Association (PGTCA). "Gayunpaman ay iniimbitahan din niya ang lahat na mga opisyales at miyembro ng samahan na dumalo sa event na ito" dagdag pa niya.
Ang palaro ay bukas sa lahat ng mga kiddies na mula sa Metro Manila at sa mga kalapit probinsiya na ang mga papremyo ay parehas na ipapamahagi sa dalawang kategorya: Idad 14 pababa at Idad 10 pababa; Champion- P 1,000, 2nd Place - P 500, 3rd Place – P 300 na may mga kasamang tropeo. Ang lahat na manlalaro ay pagkakalooban din ng certificate of participation, sangayon kay G. Parro. Magkakaroon din ng paraffle sa lahat na mga kasali sa torneyo.
Ang pormat ng palaro ay isasagawa sa Seven (7) Rounds Swiss System na may twenty five (25) minutes bawat manlalaro hanggang sa matapos ang laro. Ang superbisyon ng palaro ay pamumunuan ng National Association of Philippine Chess Arbiters (NAPCA).
Sa mga interesado na sumali ay makipagugnayan lamang kay G. Oscar Parro sa tel. blg. 514-3485, 0932-298-29424 o sa 0927-563-1809. Ang Entry Fee ay P 150 lamang.
No comments:
Post a Comment